CRISPY CHICKEN ROLL
Ang masasabi ko sa pagkaing ito na akin niluto ay masarap dahil hindi kami nagkulang ng sangkap na gagamitin. Itong pagkain na ito ay ang isa sa pinaka paborito at pinaka masarap na pagkain na aking natikman. Hindi naman gaanong mahirap gawin ang pagkaing ito, kailangan lang nang pasensya dahil minsan sa pagbibilot ng manok ay lumalabas ang mga sangkap n nakapalaman dito. Hindi ako nagsisi sa paggawa ng paggkaing ito dahil pag ito ay natikman mo gusto mo na itong ulit-ulitin.
PORK STEAK
Para sakin wala naman gaanong bago sa pagkaing ito dahil madalas itong lutuin sa bahay. Ang bago lang ay ang pagpreprisinta nito, ang pork steak kasi sa bahay ay may sabaw. Masarap naman ito ngunit medyo lumasa lang ang asim at pait dahil mali ang pagbababad ng baboy sa toyo na may kalamansi, pati balat kasi ng kalamansi ay nasama sa pagbababad kaya lumasa ng konti ang pait nito. Ang pinya na sangkap naman ang nagpalasa sa pagkaing ito at upang ito ay maging masustansya.
MAGIC FISH FILLET
Itong pagakaing ito ay gawa sa laman ng tilapia at isa sa pinaka masarap na pagkain at pinaka presintableng pagkain na aking ginawa. WOW! ang salitang nasabi ng aking guro noong nakita niya ang pagkaing ito.Simple ang ang pagkaing ito wala ganong effort hindi tulad ng ibang pagkain ngunit ang pagkaing ito ay sobrang malinamnam at tamang tama ang pagkakatimpla at luto. Makikita sa larawan ang isang "swan" na gawa sa mansanas. Ketchup lang ang sawsawan ngunit ito ay tumugma sa pagkaing ito.