Sabado, Disyembre 31, 2011

2011

     Sa pagpasok ng taong 2011 hindi ko akalaing ito ang magiging pinakamagandang taon para sa akin dahil sa taon na ito nangyari ang mga bagay na hindi ko malilimutan. Unang araw pa lamang ng taon naging masaya ako at pati narin ang aking pamilya at mga kamag-anak dahil sa pangalawang pagkakataonnakumpleto muli kami at sama-samang nagsaya sa pagpasok ng bagong taon.

     Enero 30, 2011, ang itinakdang petsa upang kami ay kumuha ng entrance exam sa BulSU. Una excited ako na medyo kinakabahan dahil kailangan kong makapasa. Pagpasok ko ng BulSU noong araw na iyon kasama ng aking mga kaklase hindi ko akalaing ganon pala kalawak ang Unibersidad na iyon muntik pa naming hindi makita ang gusaling pagkukunan namin ng pagsusulit. Noong nagsimula na ang pagsusulit hindi na ako kinabahan dahil halos lahat ng kasama ko sa room ay kamag-aral ko lang at ang aking katabi ay ang aking kaklase. "Pakopya ah" ang salitang hindi mawawala kapag may pagsusulit, pero mahirap palang mangopya nakakatakot ang watcher. "Sariling sikap to" sabi ko as aking sarili . Nang matapos ang araw na iyon may nadagdag na mga salita sa aking panalangin na sana ako'y makapasa. Dumating ang araw na ipinaskil na ng BulSU ang mga nakapasa at sa awa ng Diyos isa ko sa mga pinalad na nakapasa. Naging masaya ako noong araw n iyon.

     Pebrero 11, 2011, Senior's Ball. Kabado ako kasali kasi ako sa kutilyon. Hindi naman kasi ako marunong sumayaw napilitan lang dahil sa mga kaklase ko. Pero ayos na din kasi ang kapartner ko ay yung crush ko. Dalawang bagay lang ang hindi ko makakalimutan noong araw na iyon una ay ang muntik nang matalisod ang parter ko noong papasok na sa dance floor ang mga magsayaw sa kutilyon dahil nakatapak daw siya ng bato hindi kasi s'ya sanay ng naka heels mabuti nalang at hawak ko s'ya noong mangyari yon. Pangalawa ay noong inaya ko siyang magsayaw, hindi na ko nagsawa nu? kutilyon na 1st dance pa. Nahihiya pa nga ako noon, bute nalang nandyan yung mga kaibigan ko na nagtutulak sa akin na ayain ko syang magsayaw.

     Marso 5, 2011, naging kami ng aking partner sa kutilyon pero 12 days lang nawala din kasi bawal pa syang magboy friend, nalaman kasi ng pinsan niya natakot siyang baka isumbong siya nito. Ganyan kasaya love story ko. Lumipas ang mga araw . . . . Mayo 18, 2011 naging kami ulit pero bawal padin siya kaya patago lang ang relasyon namin. Mahal ako eh anu mgagawa ko? pero mahal ko din syempre. Limang buwan lang ang tinagal ng relasyon na iyon pero ayos na din kasi naging masaya naman ako at kahit hindi kami nagtagal, naipakita ko sakanya kung gaano ko siya kamahal.

     Desyembre 14, 2011,  birthday ko wala namang mangyayari. Tambay lang ako sa bahay pero mali pala ako. Yung mga nakakainis ko kasing barkada at pati yung ex-girlfriend ko pumunta sa bahay nang walang paalam tama ba yon?. Surpresa nga diba?. Hindi kasi ako sanay nang sinusurpresa pero khit na nakakinis sila naging masaya ako noong araw na iyon dahil nakasama ko ulit sila. Siguro isa iyon sa pinakamasayang kaarawan na hindi ko makakalimutan.

    Sa taong ito sana mas maganda pa ang mga pangyayaring magaganap sa aking buhay. . .

Biyernes, Disyembre 30, 2011

PINAKA NAKAKAINIS KONG KARANASAN NGAYONG CHRISTMAS BREAK!

     Simula pa lang ng bakasyon naiinis na ko sa dami ng mga gawain na ipinapagawa ng aking mga Prof. parang hindi ko din maeejoy itong Christmas Break, nakakatamad kayang gawin ang isang bagay lalo na kung bakasyon mu pa to gagawin.

     Pero ang pinaka nakakainis kong karanasan ay noong mismong kaarawan ko. Nakakabadtrip kasi yung mga kaibigan ko dahil hindi ko alam na pupunta sila sa mismong kaarawan ko hindi man lang kasi nagsabi. Akala ko kasi noong araw na iyon walang mangyayari, yung parang lilipas lang ng nakatanga ko pero mali pala ko. Naiinis ako sa mga kaibigan ko ay kasama pala yung ex-girlfriend ko siya  nga pala ang nagplano ng lhat ng iyon, naiinis ako sa ginawa nila dahil hindi kasi ako sanay na sinusurpresa pero yung pagkainis ko ay may halong saya. 

Repleksyon sa Kantang "Babae" ni Inang Laya

      Noong napakinggan ko ang kantang ito napag-isip-isip ko na halos nagbago ang pananaw ng tao sa mga babae sa panahon ngayon.

      Ang babae ngayon ay naging mahiyain, hindi lumalaban at lagi silang nakaasa sa mga lalaki. Ito ang tumatatak sa isipan ng tao sa tungkol sa babae sa ating lipunan ngayon. Halos limitado ang mga gawain ng mga babae ngayon, kaya naman hindi nila halos nagagawa ang mga gusto nilang gawin.


     Ang hindi pantay na pagtingin sa mga babae ang naging problema ng ating lipunan kaya ngayon ang mga babae ay minamaliit, pinagsasamanatalahan, at gingawang pampalipas oras ng ilang kalalakihan sa ating bansa. Sa aking palagay ay hindi ang mga babae ang mahina kung hindi ang mga lalaki na sinasamantala ang kahinaan ng mga babae na hindi kayang lumaban, hindi nila kayang ipaglaban ang kanilang sarili dahil ang tingin sa kanila ay isang mahinang nilalang, hindi tulad noon na kahit ang mga babae ay humahawak ng patalim para lumaban.

      Ang kailangan sa ating lipunan ay kalayaan at pantay na pagtingin sa isa't isa upang walang mahina at malakas, at walang naaapi. Huwag natin abusuhin ang kahinaan ng bawat isa dahil sila ay tao din at nasasaktan.