Biyernes, Disyembre 30, 2011

Repleksyon sa Kantang "Babae" ni Inang Laya

      Noong napakinggan ko ang kantang ito napag-isip-isip ko na halos nagbago ang pananaw ng tao sa mga babae sa panahon ngayon.

      Ang babae ngayon ay naging mahiyain, hindi lumalaban at lagi silang nakaasa sa mga lalaki. Ito ang tumatatak sa isipan ng tao sa tungkol sa babae sa ating lipunan ngayon. Halos limitado ang mga gawain ng mga babae ngayon, kaya naman hindi nila halos nagagawa ang mga gusto nilang gawin.


     Ang hindi pantay na pagtingin sa mga babae ang naging problema ng ating lipunan kaya ngayon ang mga babae ay minamaliit, pinagsasamanatalahan, at gingawang pampalipas oras ng ilang kalalakihan sa ating bansa. Sa aking palagay ay hindi ang mga babae ang mahina kung hindi ang mga lalaki na sinasamantala ang kahinaan ng mga babae na hindi kayang lumaban, hindi nila kayang ipaglaban ang kanilang sarili dahil ang tingin sa kanila ay isang mahinang nilalang, hindi tulad noon na kahit ang mga babae ay humahawak ng patalim para lumaban.

      Ang kailangan sa ating lipunan ay kalayaan at pantay na pagtingin sa isa't isa upang walang mahina at malakas, at walang naaapi. Huwag natin abusuhin ang kahinaan ng bawat isa dahil sila ay tao din at nasasaktan.

    

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento